Dahil sa ASF.. Mekeni, out sa merkado

Ipinabawi na ng Mekeni Food Corp. epektibo kahapon ang processed pork products nito sa harap ng mga ulat na nagpositibo ito sa African Swine Fever (ASF).
Bagama’t, mahigpit pa rin ang pagtanggi ng Department of Agriculture (DA) na tukuyin ang brand o meat processor na nagpositibo sa ASF ang mga produkto, ipina-recall na ng Mekeni ang kanilang meat products.
Ayon sa kumpanya na naka-base sa Pampanga, magsasagawa sila ng sariling pagsusuri kung nagkaroon ng exposure sa ASF ang kanilang mga produkto.
“Even as we wait for the results of these tests, we have decided to initiate a voluntary recall of all of our pork-based products effective 26 October 2019.
This is to ensure that we mitigate the possibility that our products inadvertently become carriers of ASF,” ayon sa pahayag ng Mekeni.
Sa kabila nito, naninindigan ang Mekeni na ligtas pa ring ikonsumo ang kanilang mga produkto lalo na’t ipinahayag ng Department of Health (DOH) at DA na hindi nakasasama sa kalusugan ng tao ang ASF.





Comments