top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bagong sama ng panahon, binabantayan ng PAGASA

Vyne Reyes
Oct 27, 2019
1 min read

Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang namumuong sama ng panahon na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huling namataan ang weather system sa layong 940 kilometro ng silangan-timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Gayunman, malabo umanong mabuo bilang ganap na bagyo ang LPA ngunit, asahan nang magdadala ito ng mga pag-ulan sa silangang bahagi ng Bicol Region, Visayas at Mindanao ngayong araw.

Magdudulot naman ng pulu-pulong pag-ulan ang Amihan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Maliban sa mga nabanggit, maaaring maging maganda ang lagay ng panahon sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page