top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Babala sa mga Pinoy.. TikTok, delikado

  • BRT
  • Oct 27, 2019
  • 1 min read

Nais paimbestigahan ng ilang senador sa Amerika ang mobile application na TikTok.

Ito ay isang online application kung saan ang user ay maaaring mag-upload ng music-synced videos ng hanggang sa 60 segundo.

Sa kanilang liham kay National Intelligence Director Joseph Maguire, sinabi nina Senate Democratic Leader Chuck Schumer at Republican Senator Tom

Cotton na posibleng ibinibigay ng may-ari ng TikTok na ByteDance ang isang user information sa Chinese intelligence. Sa kasalukuyan, may 500 million users ang TikTok.

Ayon sa mga mambabatas, tulad ng isang Chinese telecom giant, ang TikTok ay nagbibigay din ng detalye ng kanilang mga user sa pamahalaan ng China.

“With over 110 million downloads in the US alone, TikTok is a potential counterintelligence threat we cannot ignore, they wrote, urging the intelligence community to “conduct an assessment of the national security risks,” ayon kina Schumer at Cotton.

Samantala, sa hiwalay na pahayag, sinabi ng ByteDance na walang basehan ang mga pahayag kontra sa nasabing application.

Nilinaw din na wala sa loob ng China ang kanilang operasyon kaya imposibleng sakupin sila ng mga batas ng nasabing bansa.

Nauna nang sinabi ng ilang ralista sa Hong Kong na ayaw tanggapin ng TikTok ang kanilang mga video lalo’t may kaugnayan ito sa pagbanat sa pamahalaan ng China.

Sinasabing nagpapatupad din ng censorship ang TikTok sa mga anti-Chinese video na mula sa Tibet at Taiwan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page