top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After 4 yrs… Jasmine, nagsalita na sa kumalat na break na sila ng BF

  • Vinia Vivar
  • Oct 27, 2019
  • 2 min read

“Saan banda?” ang unang reaksiyon ni Jasmine Curtis-Smith nang matanong kung totoo ang tsikang muntik na silang mag-break ng boyfriend na si Jeff Ortega.

“Happy kami ni Jeff,” dugtong niya.

Fake news daw ang sinasabing breakup na ‘yan at nag-knock on wood pa siya.

“No, we really didn’t break up. Ayoko! Please, no! Knock on wood!” sey niya. Next year daw ay 4 yrs. na ang kanilang relasyon at siyempre, nagkakaroon din daw sila ng misunderstandings pero hindi naman sila umaabot sa breakup.

Bagama’t naninibago rin daw ang non-showbiz BF sa sistema ng showbiz industry lalo pa nga’t sobrang naging busy siya lately, supportive naman daw ito.

“Nagugulat lang siya na hindi kami halos nagkikita,” aniya pa. Wala rin daw selos factor sa mga nagiging leading men niya tulad nga ngayon sa latest film niyang Cara X Jagger kung saan ay si Ruru Madrid naman ang kapareha niya.

“I guess, natutunan na rin niya na it’s just work. He knows na walang dapat ikabahala pagdating sa ganyan.”

Kamakailan lang ay na-appoint si Jeff as the Regional Director of Region 4A ng Department of Tourism at ani Jasmine ay sobrang proud daw siya sa boyfriend.

“I think, one month na siya as regional director and sobrang busy niya, he’s really loving what he’s doing.”

Pero kahit busy daw ito ngayon at medyo nababawasan ang oras nila para magkita, siyempre ay iniintindi niya.

Dati raw kasi, noong businessman pa lang ito, sarili nito ang business kaya nakakapag-adjust ang BF sa kanyang oras.

Pero ngayong government employee na raw ito, siyempre, iba na ang sitwasyon.

“Learning din for me to understand that sa kanya and sa kung ano namang patutunguhan ng kanyang hard work,” sey niya.

When asked kung si Jeff na ba ang “the one”, sagot ni Jasmine, “Gusto ko.”

When asked kung okay ba sa kanya kung sakaling mapunta na sa politics ang path ng boyfriend, ayon kay Jasmine ay kailangan din niyang tanggapin ito.

“I think, it just runs in the family, so kailangan ko na ring i-accept na one day, maybe ‘yun na ang kanyang talagang ending, ang kanyang patutunguhan.”

Siyempre, susuportahan naman daw niya ang boyfriend the same way na supportive rin ito sa kanyang showbiz career.

Samantala, ang Cara X Jagger ay showing na ngayong Nov. 6 mula sa direksiyon ni Ice Idanan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page