2 tulak huli sa buy-bust
- Pabs Hernandez III
- Oct 27, 2019
- 1 min read
NORTH COTABATO — Dalawang drug pushers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. New Bunawan, Tulunan.
Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Oscar Drapiza, tubong Sultan Kudarat at Myrene Ferolino, tubong Sarangani.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na drug pushers sina Drapiza at Ferolino kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad dahilan para madakip ang dalawang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat nina Drapiza at Ferolino.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments