Pumalag sa warrant, kelot utas sa pulis
- Jeff Tumbado
- Oct 26, 2019
- 1 min read

Dedo ang isang lalaki na itinuturing na top most wanted person sa Laguna makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad sa Calamba City.
Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Mendoza, na may mga kinahaharap na kasong may kaugnayan sa illegal drugs, theft at robbery.
Batay sa report ng Calamba City Police, isisilbi lang sana ng operating team ang warrant of arrest laban kay Mendoza, alas-2:35 ng madaling-araw kahapon sa Bgy. Real. Gayunman, tumanggi itong sumuko kasabay ng pagpapaputok ng baril sa pulisya. Sa kalagitnaan ng barilan, nasugatan si Staff Sgt. Ronald Sueto na tinamaan ng bala sa braso na ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan. Matapos ang sampung minutong barilan, napatay ng mga pulis si Mendoza.





Comments