top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Malas sa career at love life... College grad, susuwertehin kung magsusuot ng pula, magtatanim ng mga

Maestro Honorio Ong
Oct 26, 2019
3 min read

Dear Maestro, Ano ang aking magiging kapalaran? Napapansin ko na hanggang ngayon, kahit tapos ako ng kolehiyo ay hindi pa rin ako sinusuwerte sa career at love life. Paano ako susuwertehin, halimbawa, makahanap ng matatag na trabaho at magkaroon ng masayang relasyon? May mga naging boyfriend na ako, pero bakit kaya hindi sila nagtatagal? Ano ang sikreto ng aking kapalaran para magtagumpay at lumigaya sa buhay? October 6, 1990 ang birthday ko.

Umaasa, Neliza ng Igulot, Bocaue, Bulacan

Dear Neliza, Kung pagbabasehan ang zodiac sign mong Libra at birth date na 6, ganito ang sikreto ng iyong tagumpay at kaligayahan.

Halimbawa, higit na namamayani sa iyong kapalaran ang pagiging Libra, ibig sabihin, kailangan ay palagi kang gumamit ng kulay pula, pink at iba pang kulay na hango sa pula, lalo na sa mahahalagang okasyon upang madali mong mahigop ang suwerte at magandang kapalaran.

Pagkatapos, dapat ka ring makipagkaibigan sa mga zodiac sign na nagbibigay ng suwerte at nagpapasaya sa Libra, sila ang zodiac signs na Gemini, Tauus, Aquarius at kapwa mo Libra, higit lalo silang may mga birth date na 2, 11, 29, 7, 16, 25, 8, 17, 26, 3, 12, 21, 30, 9, 18 at 27 dahil malaki ang maitutulong nila sa iyong career at pag-ibig.

Dagdag pa rito, asahan mo na tuwing sasapit ang mapalad mong panahon, may magandang mangyayari sa iyong kapalaran o magkakaroon ng positibong resulta ang iyong mga proyektong ginagawa o mahahalagang lakad na iyong pupuntahan.

Ang mga panahong suwerte ka ay magsisimula sa ika-19 ng Mayo hanggang sa ika-27 ng Hunyo, sa buong buwan ng Setyembre at Oktubre at mula sa ika-19 ng Enero hanggang sa ika-27 ng Pebrero.

Dahil ang Libra at numerong 6 ay nasa ilalim ng planetang Venus na siyang Diyosa ng kagandahan sa Mitolohiyang Romano, dapat palaging maaliwalas, romantiko at maraming halaman ang paligid na iyong ginagalawan upang lumakas ang awra ng iyong personalidad. Kaya kung wala kang tanim na mga halaman sa bahay, ikaw ay Libra na walang kabuhay-buhay.

Samantala, kung ikaw ay magtatanim ng mga ornamental plants at bulaklaking halaman sa inyong bahay, magsisimula ka na ring suwertehin at magkakaroon ng magagandang kapalaran, lalo na ng halamang Santan na may iba’t ibang kulay na bulaklak, higit lalo kung ikaw mismo ang nagdidilig, nagtatanggal ng mga tuyong dahon o kumakalikot sa halaman tuwing paggising mo sa umaga o dapit-hapon.

Gayundin, ang isa pang nagpapasukdol ng inner energy para sa mga may zodiac sign na Libra at Taurus ay ang pagkain. Ano ang ibig sabihin nito?

Kapag Libra o Taurus ang nagluluto ng pagkain sa bahay at namimili ng lulutuing pagkain, umasa ka na ang Libra o Taurus ay may positibong kapalaran na tinatahak sa mga sandaling ‘yun.

Gayundin, kapag ang nanay na Libra o Taurus ang nagluluto at naghahanda ng kakainin ng pamilya, sila ay higit na magtatagumpay at habambuhay na magiging maligaya at magkakaroon sila ng matatalino at mababait na mga anak.

Kung para sa iba, makita ang kanilang minamahal ang bumubuhay sa kanila kung saan sobrang saya nila kapag kapiling ang partner, para naman sa mga Libra at Taurus, pagkain ang magiging tagabuhay ng kanilang dugo at pampalakas ng suwerte at enerhiya.

Sa sandaling nahahawakan, nakikita, lalo na kung nalalasahan ang kanilang mga paboritong pagkain, doon tumataas ang enerhiya ng Libra at Taurus kaya sa mga sandaling ‘yun, tiyak na susuwertehin siya at kasabay nito, susuwertehin din ang minamahal at inaalagaan niyang pamilya.

Tulad ng naipaliwanag, pagkain, romantikong kapaligiran, ornamental at bulaklaking halaman at kulay na pula ang mga tanda na ang Libra at Taurus ay susuwertehin sa buhay.

Kapag palagi mong kasama ang nasabing mga bagay, susuwertehin ka na, magtatagumpay at magiging maligaya, hindi lang sa pag-ibig at career kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.

Samantala, sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyon, walang duda, ayon Decadens ng Kapalaran, sa 2020 at sa edad mong 30 pataas, magsisimula ka nang magtagumpay sa iyong career at pag-ibig, gayundin, habambuhay ka na ring liligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page