Kaya pinaghiwalay ng Dos… Nadine, aminadong pinagsawaan na sila ni James ng madlang pipol
- Julie Bonifacio
- Oct 26, 2019
- 2 min read

Nagpaliwanag si Nadine Lustre sa tunay na dahilan ng ‘di niya pagdating sa Urian Awards para personal na tanggapin ang kanyang Best Actress trophy kamakailan.
The night before pa lang ng actual awards ceremony ay nalaman na niya na mananalo siya sa Urian.
“To be honest, nawala ako sa sarili ko nu’ng sinabi sa akin ‘yun. So, ‘yung buong episode, medyo na-lost in translation ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,” lahad ni Nadine sa grand media launch ng bagong talent-reality program ng ABS-CBN, ang Your Moment.
Tinanong din si Nadine kung okey naman ang kanyang emotion meter habang nagdya-judge sa Your Moment knowing na na-lost niya ang sariling moment sa pagtanggap personally ng kanyang Best Actress award.
“Okey naman po,” natatawang sabi niya. “Kasi the whole time, nag-iisip na po ako, eh. Sabi ko, ‘Wait lang’ parang, ‘Totoo ba ‘to?’ kasi ‘yun ‘yung mga moments na parang, ‘Am I dreaming?’ Parang ‘yun ‘yung nararamdaman ko nu’ng time na ‘yun.”
Ang ‘emotion meter’ na tinutukoy sa tanong kay Nadine ay ang ‘emotion meter knob’ na gamit ng mga judges sa pagbibigay nila ng score sa contestants mula sa pinakamababang score na 1 hanggang sa pinakamataas na 10.
Bukod kay Nadine, kabilang din sa panel of judges sina Tito Boy Abunda at Billy Crawford. Sina Luis Manzano at Vhong Navarro naman ang mga hosts.
Ibinuking naman ni Nadine na sa kanya pala humingi ng tips sa pagiging judge ang real-and-reel partner niyang si James Reid.
“Hindi kasi, ‘di ba, nag-judge rin ako saglit sa Miss Q&A (gay pageant sa It’s Showtime). So, napapanood niya, sa Showtime. So, tinatanong niya ako, ‘Papaano mo nasasabi? Papaano mo napapansin ‘yung performance? Papaano mo naiisip ‘yung gusto mong sabihin, gusto mong i-comment?’ Ayun po, sa akin po siya humihingi ng tips.”
That was before pa raw mag-start ang Idol Philippines kung saan isa sa mga jurors si James. Pero si Nadine, kina Kuya Boy at Billy daw nanghingi ng tips sa pagiging judge.
And speaking of James, tanggap na ni Nadine na darating ang panahon na magkakani-kanya na sila ng project ng boyfriend.
Gaya na lang ng pagiging judge niya sa Your Moment without James, habang si James naman ay may ibang kapareha sa bago nitong pelikula.
“Like what I said naman po before, hindi naman puwedeng palagi kaming magkadikit. Kailangang meron din kaming time mag-grow separately. Kasi, healthy naman po ‘yun, eh,” esplika ni Nadine.
Hindi naman daw puwedeng palagi silang magkadikit ni James sa lahat ng projects.
“Para at least, ‘pag nagkaroon kami ng project ulit in the future, lahat ng mga tao, mae-excite naman. ‘Yun po.”
Hopeful pa rin si Nadine na ‘di siya ‘iiwan sa ere’ ni James. Sana nga.





Comments