Horoscope | Oktubre 26, 2019 (Sabado)
- Maestro Honorio Ong
- Oct 26, 2019
- 2 min read

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 26, 2019 (Sabado): Obligado kang maglakbay sa malalayong lugar dahil ito ang kondisyon na inilatag ng iyong kapalaran para gumanda ang iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makaiisip ka ng mas magandang paraan para mapalago pa ang iyong kabuhayan. Isagawa mo ito agad upang magtuluy-tuloy ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-20-25-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Binabalaan ka na ang maliit na butil ng negatibong pananaw ay maaaring palakihin mo at paniwalaan. Ang anumang negatibong ideya ay hindi inaalagaan, ito ay ibinabasura. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-28-30-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Maaantala ang pagpapatupad mo ng iyong magagandang plano dahil hinahayaan mong makapasok sa iyo ang mga mungkahi at opinyon na salungat naman sa mga nabuo mong plano. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-21-28-30-37-40-42.
CANCER (June 21-July 22) - Tama ang kutob mo. Huwag mo nang hintayin pa ang karagdagang patunay. Mas maganda na ang iyong magiging pasya ay nakabase sa iyong kutob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-29-30-36-45-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ibandera ang iyong mga suliranin. Ang ibandera mo ay ang mga plano mo sa buhay. Sa ganitong paraan, ang tulong ng langit ay mabilis na mapasasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-17-22-25-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tapusin mo na ang kailangan mong tapusin. Sa ganitong paraan, kikilos ang mga pangyayari at mabibigyan ka ng panibagong mga oportunidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-15-27-30-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pahinga ang panlaban sa pagod ng katawan. Pahinga rin ang solusyon sa pagod ng isipan. Pagod ang katawan at isip mo kaya pahinga ang kailangan mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-27-31-36-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang kilala mong may alam, sa kanya ka humingi ng payo. Huwag kang maniwala sa kilala mong nadudunung-dunungan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-17-21-28-30-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maraming kakaibang pananaw ang iyong maririnig, pero higit na maganda at tama ang mga ito kesa sa ang sarili mong diskarte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-15-16-29-31-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inuutusan ka ng iyong sarili na pumunta sa malayo, gawin mo. Walang ibang makaaalam ng mabuti at tama kundi ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-15-20-21-24-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapapansin mo sa iyong sarili na parang hindi ka mapakali. Mula sa pagkakaupo, ikaw ay tatayo at pabalik-balik. Ito ay malinaw na senyales na ang magagandang bagay ay magdaratingan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-21-23-33-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunin mo ang para sa iyo ngayon. Lalagay sa harapan mo ang maraming suwerte na para pa rin sa iyo, kunin mo pa rin nang sa gayun ay malubos ang iyong kasiyahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-20-23-29-30.





Comments