top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Bukod sa P5,000 multa.. Kulong sa paglalaba at pagsasampay sa kalsada

  • Mylene Alfonso
  • Oct 26, 2019
  • 1 min read

Ipinagbabawal na ang pagsasampay ng mga nilabhang damit sa kalsada at mga pampublikong lugar sa Lungsod ng Maynila, alinsunod sa Ordinance 8752 o “Tapat ko-Linis ko” Ordinance.

Nabatid na ang nabanggit na ordinansa ay nilagdaan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso noong Oktubre 18 pero, kahapon lang inilabas sa media.

Layunin ng nabanggit na ordinansa na obligahin ang lahat ng residential at commercial area na huwag magsampay sa kalsada, kable ng kuryente at iba pang lugar.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang paglalaba ng mga damit at pagpapatuyo sa mga gilid ng kalsada, sidewalks at iba pang lansangan.

Sa ilalim ng ordinansa, ang sinumang lumabag sa unang pagkakataon ay bibigyan lamang ng babala. Gayunman kapag nadakip sa ikalawang pagkakataon ay may multang P500; sa ikatlong pagkakataon ay P1,000; P3,000 sa ikaapat habang sa ikalima ay P5,000 at pagkabilanggo ng 30 araw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page