top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Blue Eagles, itutumba ang NU; Tigers babawi

VA
Oct 26, 2019
1 min read

Patumbahin ang una sa dalawang natitirang balakid sa target nilang elimination round sweep ang tatangkain ng defending champion Ateneo de Manila sa muling pagharap nila sa National University sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament.

Magtatapat ang Blue Eagles at ang Bulldogs sa unang laro ng 2 p.m. bago ang salpukan ng University of Santo Tomas at Adamson University para sa tampok na laro ng 4 p.m. sa Ynares Center sa Antipolo City.

Taglay ang malinis na 12-0, panalo-talong marka, ang NU at ang University of the Philippines na lamang ang mga nalalabing koponan na kailangang muling magapi ng Blue Eagles sa 2nd round para ganap na mawalis ang eliminasyon.

Sisikapin ng koponan ni coach Tab Baldwin na ulitin ang 71-50 panalo kontra Bulldogs noong Set. 22. Para sa kampo ng NU, kahit wala na sa kontensiyon pipilitin pa rin ng mga ito na ma-upset ang Ateneo para sa karangalan bilang unang koponan na tumalo ngayong season sa Blue Eagles.

Samantala sa tampok na laro, magkukumahog ang Tigers na makabalik ng winning track matapos muling matalo sa nakaraang laban nila sa De La Salle sa pamamagitan ng pagbawi sa 71-78 na kabiguan nila sa Falcons noong Set.18.Kasalukuyang may markang 7-6 kasalo ng FEU sa ikatlong puwesto kailangan ng Tigers na maipanalo ang huling laro nila sa elimination round at umasang matalo sa huling laro nila ang Tamaraws o kaya’y mabigo kahit isa sa nalalabing dalawang laro nila ang Archers (6-6) upang umabot sila sa Final 4 round.

Mga laro ngayon: Ynares Center 2 p.m. – NU vs Ateneo (M); 4 p.m. – UST vs AdU (M)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page