top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Towns at Doncic, bida sa T’wolves at Mavs

MC
Oct 25, 2019
1 min read

Nasayang ang iniskor ni Kyrie Irving na 50 puntos para sa record-setting debut game sa Nets dahil nawalan siya ng balanse at sumablay sa potensiyal na winning shot na sinamantala ng Minnesota Timberwolves tungo sa 127-126 victory laban sa Brooklyn sa bisa ng overtime game kahapon.

Nakagawa si Karl-Anthony Towns ng 36 points at 14 rebounds para sa Minnesota, habang si Andrew Wiggins ay may tinapos na 21 points kabilang na ang go-ahead basket sa nalalabing 1:19 minuto.

Kasunod ng timeout ng Nets, hawak ni Irving ang bola at tsansa na niya sana para sa debut victory, nag-drayb pero nawalan ng balanse malapit sa foul line. Nag-dribol subalit sumablay sa jumper. Lumagpak siyang pahiga sa court.

Samantala, higit na matikas si Luka Doncic kay Bradley Beal dahil mas napatagal ang salang ng star Dallas guard sa game samantalang ang kanyang katunggali sa Washington ay na-eject matapos ang foul language sa 4th quarter.

Kumana si Kristaps Porzingis ng one-handed dunk sa isang alley-oop upang matulungan ang Mavericks na humabol sa panalo kontra Wizards.

Nakagawa si Doncic ng 34 points at 9 rebounds, tumapos si Porzingis na may 23 points sa game-sealing dunk sa final minute nang pahiyain ng Mavericks ang Wizards 108-100 sa season opener kahapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page