top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P-Digong, malusog daw pero may sakit

Ka Ambo
Oct 25, 2019
1 min read

Malusog daw si P-Digong.

Sino ang no. 1 na nalungkot?

◘◘◘

AMINADO ang Malacañang na may dinaramdam ang pangulo.

Siyempre, 74 years old na siya!

◘◘◘

MARERESOLBA na ni Usec. Joey Sy Egco ang pagkamatay ng kanyang kapwa tabloid columnist na si Jupiter Gonzales.

Bigyan ng jacket ‘yan!

◘◘◘

WALANG katau-tao sa mga malls kapag ordinaryong araw.

Natutulog lang ang mga kahera.

Sintomas ng pagdarahop!

◘◘◘

NAGREREKLAMO ang mga traditional taxi drivers laban sa “Angkas”, binawasan kasi ang kanilang iniintrega kay misis.

Isumbong mo kay P-Digong!

◘◘◘

SUNUD-SUNOD pa rin ang lindol.

Epekto ‘yan ng eksperimento sa Large Hadron Collider (LHC)!

◘◘◘

NAUUSO ang keto-diet.

Ingat-ingat!

◘◘◘

NATUTUYOT na ang mga dam.

Huh, Oktubre pa lang!

◘◘◘

NAGPASOK ng kontrabando sa loob ng Bilibid ang mismong mga parak.

Linsiyak!

◘◘◘

MAY bago nang Chief Justice.

Just-tiis lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page