Mga purdoy, nabawasan

Photo: sws.org.ph
Ikinatuwa ng Malacañang ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong nagsabi na mahirap sila.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pursigido ang mga economic manager na paigtingin pa ang kanilang mga effort para sa target na pag-angat ng buhay ng isang milyong Pilipino kada taon.
Batay sa resulta ng SWS survey para sa self-rated poverty para sa ikatlong quarter ng 2019, 42% ng pamilyang Pilipino ang nagsabing mahirap sila. Mas mababa ito kumpara sa 45% na naitala noong ikalawang kuwarter ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Panelo, ang mga departamento at ahensiya ng pamahalaan ay nagpapatupad na rin ng mga social protection measure tulad ng pagtatatag ng mga cash transfer at rice liberalization o pagbabawas ng mga restriction sa bigas upang matiyak na walang Pilipino ang maiiwan habang sumusulong ang progreso ng bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Una na ring sinabi ng Palasyo na hindi magpapakampante ang pamahalaan kahit pa bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabi na mahirap sila.





Comments