Kinumpirma ni Panelo.. Sakit ni P-Duterte, hindi drama

Walang katotohanan ang kumalat sa social media na gawa-gawa lang ang naramdamang pananakit ng spinal column ni Pangulong Rodrigo Duterte para makaiwas sa isang alanganing sitwasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, absolutely, false ang balitang lumulutang sa social media na ipinuwesto sa hanay ng foreign ambassadors si Pangulong Duterte at hindi sa puwesto ng heads of states at royalties.
Kilalang istrikto umano ang Japan sa kanilang national protocols, lalo na sa Imperial House at hindi basta nagbabago ang una nang naiayos na seating arrangements at nakasanayang tradisyon.
Una na kasing nagsabi ang pangulo na hindi siya dadalo sa enthronement ceremony ni Emperor Naruhito pero, nagbago ang isip sa bandang huli.
Ayon kay Panelo na kasama sa naturang biyahe, hindi totoo ang lumutang na balita.
Bukod dito, inihayag din ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Eduardo Meñez, na agad niyang bineripika ang naturang ulat sa Philippine Embassy sa Tokyo, at sinabi nitong walang ganitong senaryo na nangyari sa Japan trip ni Pangulong Duterte.





Comments