top of page
Pokwang.jpg

Kapalit ng P50K at P500K na ibinayad sa hospital bills, kahit buhay pa raw… Gretchen, ibinulgar na g

Ronalyn Seminiano
Oct 25, 2019
2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Ayaw talagang magpaawat ni Gretchen Barretto, kinuwestiyon naman nito ngayon ang mag-inang Marjorie at Julia Barretto sa naging ambag sa pagbabayad ng hospital bill ng kanilang Daddy Mike (SLN).

Ayon sa IG Story ni Gretchen, ginawa ito ng mag-ina dahil gustong makuha ang naiwang bahay ng Barretto patriarch sa Subic.

Dagdag pa ni Gretchen, noon pa man daw ay gusto nang angkinin ng ina ni Julia ang bahay ng daddy nila sa Subic.

Sa sunud-sunod na Instagram Stories ni Gretchen, puro pasaring sa kapatid at anak nitong si Julia ang mga ipinost niya.

Aniya, “Ask Marjorie Itchie-very ‘How much did you contribute to pay for the hospital bill of dad?’ 50K.

“Julia? 500K. But you asked for Pikey (Mike Barretto) Subic home in return for the 500 K.”

Sumunod na IG Story ni Gretchen ay, “He was still alive & you wanted to take his home. To pay St. Lukes. That’s not love. That’s not helping.

“Last few days of your lolo Pikey life, you wanted his home to the tune of 500k.”

Bukod sa ibinulgar ni Gretchen tungkol sa P500K na ibinayad ng pamangking si Julia kapalit ng bahay ng kanilang Daddy Mike, ipinost din niya ang picture ng young actress kasama ang Lolo Pikey nito at ang caption ni La Greta ay: “Papansin mas­yado!!! Gamitin pa ang late father mo para magpaawa at atensiyon.”

So far ay wala pang komento si Julia sa sinabi ng kanyang Tita Gretchen.

Makikita rin na sinabi ni Gretchen na sinungaling ang kapatid niyang si Marjorie dahil sa IG Stories niyang: “More on who is Marjorie Barretto-Echiverri? Toxic people: Never let things go. Can’t move forward. Bully. Intimidate. Lie. Create drama. Play the victim. Act out of fear and insecurity.”

Samantala, dahil kamakailan lamang ay nagsalita na si Marjorie sa TV Patrol kung saan inamin niyang si former Caloocan Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang ama ng bunso niyang anak, nag-post si Gretchen ng screenshot ng balitang ito at binilugan niya ang caption na: “Head Title: MARJORIE BARRETTO, MAAARING MAKASUHAN NG PAKIKIAPID.”

Isa pa sa matitinding bahagi ng IG Story ni Gretchen ay ang dalawang scandal pictures. Kamukhang-kamukha ni Marjorie ang nasa larawan way back 2013 na talagang naging laman ng media. Ngunit mababasa sa isang screenshot na idinenay ito ni Marj.

At maging si Raffy Tulfo ay nadamay na rin dahil bahagi siya ng IG Story ni Gretchen.

Ipinost niya ang video na sinasabi ni Idol Raffy na nag-follow sa kanya si Gretchen at nag-follow din siya sa aktres.

Ani Raffy, “Pinallow ako ni Ms. Gretchen? Ipapallow ko rin siya. Follow back. Follow ko na lang silang lahat.”

At kasunod ng nasabing video ay ang screenshot na “Miss @gretchenbarretto, aaba­ngan kita sa Tulfo, huh, uwi ka muna ng ‘Pinas para ipaglaban mo rin ang karapatan mo. Huwag kang mag-alala, marami kaming nasa likod mo lang. kasama mo kami sa bawat laban mo.”

Maaayos kaya ni Raffy Tulfo ang problema ng Barretto sisters?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page