Final answer, wala nang second chance... Harlene, nag-file na ng annulment kay Romnick

Hindi na umapela si Harlene Bautista (bilang producer ng Isa Pang Bahaghari) nang hindi nakapasok ang kanilang pelikula sa MMFF 2019.
Bago pa naganap ang announcement para sa apat na pelikulang bubuo sa Magic 8 na entries sa MMFF 2019, nag-usap-usap na raw sila ni Direk Joel Lamangan at ng cast ng Isa Pang Bahaghari na tatanggapin nila kung anuman ang desisyon ng MMFF 2019 Committee.
Marami ang nanghinayang at nalungkot pero nagpaka-sport ang Heaven’s Best Productions. Hindi nila iniisip na napulitika at naging biased ang selection committee ng MMFF 2019. Magaganda naman kasi ang mga pelikulang pinagpilian.
Pero depensa ng mga Noranians, marahil na-threaten kay Nora Aunor ang ibang kalahok sa drama category. Kung itatapat nga naman si Nora Aunor kina Judy Ann Santos at Iza Calzado, tiyak na matindi ang magiging labanan.
Magagaling na aktor din ang mga kasama ng Superstar sa Isa Pang Bahaghari at premyado ang direktor ng movie na si Joel Lamangan.
Anyway, pinag-iisipan pa ng magandang playdate ang Isa Pang Bahaghari. Marami ang nag-a-advise na before ng filmfest ito ipalabas o pagkatapos na ng Christmas season.
Samantala, mukhang wala nang pag-asa pa na maayos ang naging problema ni Harlene Bautista at ng kanyang mister na si Romnick Sarmenta. Nagsampa na ng annulment si Harlene upang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Romnick. Buo na ang naging desisyon ni Harlene at kahit may mga anak sila ni Romnick ay hindi na niya nanaisin pa na magkabalikan pa sila ng ex-husband.
Ang panganay nilang anak na si Zeke ay 19 years old na, first year college at mag-aaral na sa Australia. Interior Design ang kursong kinuha ni Zeke at sa school dorm siya titira.





Comments