top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3 pulis, sibak sa kotong

  • Gina Pleñago
  • Oct 25, 2019
  • 1 min read

Tatlong pulis-Pasay kabilang ang precinct commander ang inalis sa puwesto matapos mahuli ang dalawang tauhan nito sa pangongotong sa isinagawang entrapment operation sa Pasay City.

Kinumpirma kahapon ni Pasay City Police Chief Col. Bernard Yang, na tuluyan nang inalis sa puwesto sina Police Capt. Mark Oyad, Commander ng Police Community Precinct (PCP-7) at ang dalawang tauhan nito na sina Police Cpl. Reynald Pallangeo Macwes at Cpl. Jimuel Ilagan Bernal.

Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo laban kina Macwes at Bernal na sinasabing humihingi ang mga ito ng P500 hanggang P1,000 sa bus at van operator.

Nagbanta pa umano si Oyad na kakasuhan niya na may kaugnayan sa ilegal na droga ang mga ito kung hindi umano tutupad sa P1,000 hiningi sa bus at van operator.

Dahil dito, nagreklamo sa mga awtoridad ang biktima at agad isinagawa ang surveillance ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Intelligence Group (IG) laban sa mga pulis.

Sinasabing nahuling tumanggap umano ng pera ang dalawang pulis sa isang bus operator sa Malibay sa Pasay.

Sa ngayon, patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon sa mga sinibak na pulis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page