‘One-stop’ sa mga ospital sa probinsiya, next na
- Mylene Alfonso
- Oct 25, 2019
- 1 min read

Target na lagyan ng Malasakit Center ang lahat ng pampublikong pagamutan sa buong bansa para sa mga walang pambayad sa pagpapagamot.
Ayon kay Sen. Christopher ‘Bong’ Go, chairman ng Senate Committee on Health, inuuna lang ang malalaking pampublikong pagamutan at susunod na ang mga provincial at district hospital sa bansa.
Matatandaang, ang Malasakit Center ay itinatag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Go noong 2017. Ito ay isang one-stop shop na maaaring hingan ng tulong ng publiko ang mga kinatawan ng PCSO, PAGCOR, DSWD, PHILHEALTH at DOH.
Sa ngayon, may 47 Malasakit Centers na nationwide, na ang pinakahuli ay binuksan kamakailan lsa Tagum, Davao del Norte.





Comments