Yes, mga bes, para-paraan lang! Gustong gender ng baby, nakabase sa sex position at mga kinakain

Maraming couples ang may espesipikong gusto ang kasarian ng kanilang magiging anak. Pero dahil wala pang tiyak na paraan para ma-achieve ang gustong gender ng baby, sumusubok lang sila nang sumusubok hanggang sa makabuo ng baby boy o girl na gusto nila.
Gayunman, ayon sa mga eksperto, keri nang ma-achieve ang gustong kasarian ng baby, depende sa sex position ng mag-asawa. Weh, ‘di nga?
Ayon sa mga eksperto, may dalawang uri ng chromosomes ang mga sperms at ito ay ang X at Y chromosomes.
Ang sperms na Y chromosome ay nagdudulot ng lalaking anak, mabilis lumangoy, maliliit at madaling mamatay, habang ang sperms na X chromosome ay nagdudulot ng babaeng anak, mas malalaki at matataba, ngunit mabagal lumangoy.
Ayon kay Landrum B. Shettles, MD, PhD na nakadiskubre ng Shettles Method para sa gustong magkaroon ng baby boy, magtalik 24 oras bago mag-ovulate ang babae. Ito ay dahil ang Y sperms ay mas mabilis lumangoy patungo sa egg at mabilis ma-fertilize.
Bukod pa rito, dapat umanong malalim ang penetration kaya inirerekomenda ng mga eksperto ang “doggy style” bilang posisyon dahil masisigurado ang pagdating ng Y sperm malapit sa cervix na mas maraming alkaline na makabubuti para mabuhay ang mga ito.
Gayundin, hindi dapat magtalik ang mag-partner nang tatlo hanggang apat na araw bago mag-ovulate ang babaeng partner upang ma-maximize ang paggawa ng Y sperms.
Samantala, para sa mga gustong magkaroon ng baby girl, magtalik nang tatlong araw o higit pa bago ang ovulation dahil madaling mamatay ang Y sperms, mas marami ang lalabas na egg. Inirerekomenda rin ang ‘missionary’ position para sa mababaw na penetration, gayundin, para makasigurado na ang X sperm ay mapupunta sa bibig ng cervix kung saan ito ay acidic na makatutulong sa kanilang pagkabuhay.
Ayon sa University of Exeter ng Britain, ang calories ay may epekto rin sa pagkakaroon ng espesipikong kasarian ng baby. Ang pagkain ng may matamis, potassium, calcium, Vitamins C, E, B12 ay nakatutulong para makabuo ng lalaki dahil kailangan nila ng mas maraming nutrients habang ang mga pagkaing ‘low energy’ kung saan konti lang ang calories, minerals at nutrients ay may mataas na tsansa na makabuo ng babae.
Oh, mga ka-Bulgar, anumang gender ng baby ang gusto ninyo, try n'yo ‘to! Sundin ang nasabing mga paraan para ma-achieve ang gusto ninyong kasarian ng inyong anak.
Gayundin, siguraduhin na tama ang diet ninyo para healthy din ang pagbubuntis. ‘Ika nga, walang masama kung susubukan dahil malay mo, effective. Copy?





Comments