top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Talim ng Bawat Salita Ni: Lovely Joy Socias del Rosario

  • Oct 24, 2019
  • 1 min read

Ang mga salita’y bumubuhay,

sa dugo natin ay nananalaytay.

Subalit may mga salitang nakamamatay,

sa puso at laman ay lumalatay.

Sa katahimikan ng batis,

himig ng tubig ang namamayaning marinig,

at sa tangkang pagsira ng tahimik na batis,

kikilos ang lupa, mayayanig at magngangalit.

Sa likod ng mga maskara,

matatagpuan ang maliit na konsensiya.

Naghuhumiyaw, galit, gustong kumawala,

sapagkat tahimik na paligid ay tinangkang masira.

Malikhaing isipan, salita at gawa,

kalayaang magpabatid, huwag sanang mawala.

Ang pagkabalisa ay para sa mga gumagawa ng masama,

ang mga salita, matalinghaga, mahalaga

at mapagpalaya.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page