Napagtripan.. Grab driver niratrat, todas

Patay ang isang Grab driver matapos pagbabarilin sa Bgy. Natipuan, Nasugbu, Batangas.
Pasado alas-2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Muntingbuhangin Beach Camp.
Nagpapahinga sa baybaying-dagat ang biktimang si Junnel Mar Alano, 35, may asawa, ng Central Bicutan, Taguig City nang lapitan ng suspek na si Dennis Esmeralda, 31, negosyante, ng Biñan City, Laguna.
Armado ito ng cal. .40 glock pistol kung saan agad binaril ng makailang ulit ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Dead-on-the-spot ang biktima habang tumakas naman ang suspek.
Sa pinagsanib na puwersa ng pulisya at mga guwardiya sa nasabing resort, agad itong nasakote.
Ayon sa kinakasama, tatlong araw umanong walang tulog at nasa impluwensiya ng ilegal na droga ang suspek.
Napag-alamang inarkila ng isang pamilya si Alano para sa naturang beach trip habang doon din namamalagi ang suspek. Ayon pa sa pulisya, hindi magkakilala ang suspek at biktima.





Comments