top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Mga bading at tibo, suki.. Doktor tulak, kulong

  • Jeff Tumbado
  • Oct 24, 2019
  • 1 min read

Arestado ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Davao City Police Office ang isang doktor nang maaktuhang nagbebenta ng shabu sa Davao City.

Nakilala ang suspek na si Dr. John Perret Herrera, 33, ng New Matina, resident surgeon ng Southern Philippines Medical Center.

Ayon kay Police Col. Alexander Tagum, ang nasabing doktor ay itinuturing na high value target dahil isa ito sa mga talamak magbenta ng shabu sa lungsod.

Ikinasa ang drug-bust operation laban kay Herrera nitong Martes ng tanghali at agad sinunggaban ng SDEU agents ilang sandaling pagbentahan nito ang undercover agent.

Hindi naman itinanggi ni Herrera ang kinasasangkutang kaso sa pagtutulak ng ilegal na droga at marami umano sa kanyang kostumer ay mga kaibigan mula sa LGBT community na kanyang nakikilala sa pamamagitan ng social media.

Nakumpiska mula sa posesyon ng doktor ang ilang plastic bags na naglalaman ng hinihinalang shabu, ilang dried marijuana leaves, disposable syringe at cellular phone.

Bukod sa kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay posible pang bawian ng lisensiya sa pagiging doktor si Herrera.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page