Maraming hugasan na kutsara at tinidor, sign na dapat magpasaya ng kapwa para makatanggap ng maramin
- Socrates Magnus
- Oct 24, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Tresmundo ng Tresmundo_Judith @facebook.com
Dear Professor, Nanaginip ako ng maraming kutsara at tinidor na hinuhugasan ko sa lababo. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay, Tresmundo
Sa iyo Tresmundo, Kung ikaw ay nagkataong dalaga pa, ang panaginip mo ay nagbabalita ng masayang kaganapan na ikaw ay ikakasal na.
Kapag may asawa ka na, ang panaginip mo ay nagbabalita ng darating na masaya at bonggang handaan dahil may mahalagang okasyon na darating sa buhay mo.
Ang maraming kutsara at tinidor ay isa sa masusuwerteng mapanaginipan dahil ito ay nangangahulugan na maraming mahahawakang salapi o pera kung saan ang iba o mga bahagi nito ay gagastusin mo sa pagpapasaya ng maraming tao. Kapag pinasaya ang maraming tao, ang nagpasaya ay lalo pang susuwertehin, kumbaga, darami ang kanyang kabuhayan at ang kanyang yaman ay madaragdagan pa.
Minsan, kahit walang-wala ang tao, pero nagawa niyang magpasaya ng kapwa, himala siyang tatanggap ng maraming biyaya at pagpapala.
Samantala, ang magdaramot o galit kapag hinihingan ng tulong at ayaw maghanda para sa kapwa ay mananatiling madamot.
At ang lihim na dahilan kaya siya madamot ay dahil nararamdaman niyang pinagdaramutan siya ng mga suwerte.
Ang mensahe ng iyong panaginip ay pasayahin mo ang iyong kapwa nang sa gayun ay mas maraming biyaya ang mapasasaiyo.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments