top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Lagay ni P-Duterte ibinulgar ng doktor

Mylene Alfonso
Oct 24, 2019
1 min read

Photo: Christopher Go/Reuters

Pinayuhan ng doktor si Pangulong Rodrigo Duterte na magpahinga muna nang ireklamo ang pananakit ng likod kaya napaikli ang pagbisita sa Japan.

Ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go, base sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) result ng Pangulo, nakararanas siya ng muscle spasm at pinayuhan na magpahinga muna.

“Nakita nila purely muscle spasms at ‘yung gamot na ibinigay sa kanya para du’n sa muscle spasms,” ani Go.

“May mga medisina na dapat at kailangan po magpahinga ang Pangulo. He was advised to rest, rest, rest,” sabi pa ni Go.

Aminado ang senador na pinagpapahinga ang pangulo ng hanggang weekend at sinabihang iwasan munang maglakad-lakad.

Hindi naman tinukoy ang pangalan ng ospital na pinagdalhan ng Pangulo.

Matatandaang, napaaga ang uwi ni Pangulong Duterte mula sa dinaluhan nitong enthronement ceremony ni Emperor Naruhito sa Japan dahil sa pananakit ng kanyang gulugod.

“Ako na po ang tumitiyak sa inyo na wala kayong dapat ipag-alala at kailangan lang ng konting pahinga ng Pangulo,” dagdag pa ng dating presidential aide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page