Ibinulgar ng utol, anak inilako ng misis kay Atong Ang… Padir ni Nicole, wa' magawa para pigilan
- Ador Saluta
- Oct 24, 2019
- 2 min read

Photo: Instagram
Sa mala-teleseryeng bangayan ng Barretto sisters sa mismong burol ng kanilang amang si Miguel Barretto, hindi maiwasang madawit ang nakatatandang kapatid nina Gretchen, Marjorie at Claudine na si Joaquin “Jay-Jay” Barretto.
Si Jay-Jay ay ama ni Nicole Barretto, na tampok ng usap-usapan sa social media dahil sa mainit na pakikipagsagutan nito kay Gretchen dahil kay Atong Ang.
Isang netizen ang kumondena sa diumano’y kawalang aksiyon ni Jay-Jay habang walang patid si Gretchen sa paninira kay Nicole sa social media.
Komento ng netizen sa Instagram feed ni Jay-Jay (published as is):
“What kind of father you are? Nilalapastangan na at sinisira na ni @gretchenbarretto ang anak mo, and yet you can’t tell Gretchen to spare her.
“I saw on your post ‘My favourite daughter’. Are you also scared of your evil sister?”
Hindi diretsahang sinagot ni Jay-Jay ang isyu, pero binuweltahan niya ang netizen.
Sabi ni Jay-Jay: “Oh shut you. Will you? Ang dami mong alam. Mag-t-shirt ka na lang hijo.
“Hindi ganyan kalaki ang katawan mo, boy.”
Nag-umpisa ang patutsadahan at pisikalan umano ng magtiyahing Gretchen at Nicole sa burol ng pumanaw na Barretto patriarch na si Miguel.
Ayon sa ulat, sinubukan ni Nicole na sampalin si Gretchen pero napigilan umano ito ng aktres. Bago umano napaglayo ang dalawa ay nahablot ni Gretchen ang buhok ni Nicole kaya’t nagkaroon ng komosyon.
Pinasinungalingan ito ni Nicole sa kanyang Instagram Stories noong October 19.
Ayon kay Nicole, hindi niya sinaktan si Gretchen at pinigilan niya lang ito nang atakihin umano ang kapatid nitong si Marjorie.
Pero nang hawakan daw ni Nicole si Gretchen upang mailayo kay Marjorie, si Gretchen naman daw ang sumipa at nanabunot kay Nicole.
Inakusahan din ni Nicole na boyfriend stealer ang tiyahing si Gretchen at tahasang pinangalanan ang businessman na si Atong Ang na dati umanong boyfriend ni Nicole.
Hindi ito ipinagsawalang-kibo ng socialite-actress.
Buwelta ni Gretchen, may nakapagsabi raw sa kanya na si Nicole ang nang-agaw diumano kay Atong mula kay Claudine Barretto.
Nagpatutsada rin si Gretchen na “I was told by Atong ‘Inilako si Nicole sa akin ng nanay niya.’”
Ayon pa sa sabi ni Gretchen, “Nagwawala ka sa isang lalaking ‘di ka niligawan.”
Dahil sa sigalot sa pagitan ng magtiyahin, may ilang netizens ang nagtataka kung bakit tikom ang bibig ng ama ni Nicole na si Jay-Jay.
Noong October 19, namataan din si Jay-Jay na kasama ang kanyang Mommy Inday at mga kapatid na sina Gretchen at Claudine. Ipinagtataka raw ng mga netizens kung bakit nandu’n si Jay-Jay sa kasagsagan ng awayan ng anak nitong si Nicole at ni Gretchen.
Noong October 20, kasama rin si Jay-Jay nang magpakuha ng litrato ang buong angkan ng mga Barretto maliban kina Claudine at Gretchen.
Sa aspetong ito, pinusuan lang ni Jay-Jay ang komento ng ilang netizens na nais niyang tumayong “peacemaker” at hindi na para makisawsaw pa sa sigalot sangkot ang anak at mga kapatid.





Comments