Diosdado Peralta, bagong chief Justice
- M. Alfonso
- Oct 24, 2019
- 1 min read

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta bilang bagong Chief Justice ng Kataas-taasang Hukuman.
Ito ang kinumpirma ni Executive Sec. Salvador Medialdea kung saan papalitan ni Peralta ang nagretirong si Lucas Bersamin.
Si Peralta ang pinaka-senior na Mahistrado sa tatlong kandidatong nakasama sa shortlist na sina Associate Justices Estela Perlas-Bernabe at Andres Reyes, Jr.
Nahirang na Mahistrado sa SC si Peralta noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Magsisilbi si Peralta sa hanggang Marso 2022, pagsapit ng kanyang ika-70 kaarawan.





Comments