top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Diaz at Tabugara, silver at bronze sa World Wushu

  • Gerard Arce
  • Oct 24, 2019
  • 2 min read

Nagpamalas ng malulupit na striking techniques si Sanda fighter Russel Diaz ngunit hindi naging sapat upang makamit ang kampeonato sa final round ng 15th World Wushu Championships sa Shanghai, China.

Nag-uwi ng silver medal ang 19-years-old na si Diaz nang daigin siya ni Indian fighter Parveen sa iskor na 1-2 sa men’s Sanda -48kgs category.

Naging dikitan ang laban sa pagitan ng Filipino fighter at pambato ng India sa simula pa lamang ng aksyon. Makailang ulit nagsagawa ng take down na atake ang Indian fighter sa unang round pa lang na nagpahirap kay Diaz para ilabas ang kanyang striking techniques at ihandog kay Parveen ang unang round. Karamihan ng puntos ng Indian ay nagmula sa take downs.

Nagbago ng istratehiya ang kampo ng Filipino wushu artists nang atakehin nito agad ang kalaban ng ilang striking techniques kabilang na ang round house kicks upang maungusan nito ang katunggali dahilan upang maitabla ang laban sa 1-1.

Sa pagtuntong ng round 3, hindi na napigil pa ang Indian fighter na maniobrahin ang laban nang dominahin niya si Diaz sa kabuuan ng 3rd round. Sa kada atake ng strikes ni Diaz ay sasaluhin ito ng kalaban para buhatin at patumbahin.

Nakuha naman ni Clemente Tabugara ang bronze medal sa men’s 65kgs category nang matalo ito sa semifinals kay Erfan ng Iran, na kinalauna’y nagwagi ng gold medal nang pabagsakin si Magomed ng Russia. Napunta ang isang tansong medalya kay Akmal ng Uzbekistan.

Sa Taolu event ay bigo si 2017 SEAG gold medal winner Agatha Chrystenzen Wong na makakuha ng magandang place sa women’s Taijuquan event nang lumapag lang ito sa 5th place na may nakolektang 9.576 points. Si Wong ay nag-angkin ng 2 medalya sa 2017 Malaysian meet nang kunin nito ang nag-iisang gold medal ng bansa sa Taijuquan events at silver medal sa Taijijian.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page