top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

4yo, imported/local sa Cojuango Cup

Ding Taboy
Oct 24, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Hahataw sa Nob.17 ang 2019 Philracom Ambassador Eduardo M. Cojuangco, Jr. Cup sa Saddle and Leisure Park, Naic, Cavite.

Bukas sa 4-year old and above imported and local horses ang karerang nabanggit. May guaranteed prize na P3,150,000-M na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line.

Tatanggap ng P1,800,000 ang unang premyo habang ang 2nd place ay may P675,000. Mag-uuwi ng P375,000 ang 3rd place at mapupunta ang P150,000 sa 4th place. Tatanggap din ng P100,000 ang 5th place at may pampalubag-loob na P50,000 sa 6th place.

Samantala, bibitiwan ngayon ang anim na karera sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite. Sa Race 1 umpisa ng Pick 6 at pinapaboran ang Apo habang magiging banta ang Purpose Driven at kingdom habang sa Race 2 na tatlong mananakbo ang maglalaban-laban sa pangunguna nang Isa pa Isa pa, Colonial Star at My Lady Consa.

Habang magaganap ang Pick 4 sa Race 3 at nakalalamang ang More or Less, makakalaban ang Couple Entry na Trust Worthy at Miss Marshall. Sa Race 4 nakalalamang ang Baling Rikit at magsisilbing kalaban ang Fabulous habang sa Race 5 ipinapatok ang Probinsiyano.

Sa Race 6 ipinapatok ang Makaarem habang ang couple entry na Single Flower at Double Rock ang posibleng tumalo. Tips ni Mang Ding: Race 1- Apo(1) Purpose Driven (4) Race 2-Colonial Star (5) Isa pa Isa pa (3) Race 3- Entry no.1 More or Less (9) Race 4-Baling Rikit (4) Fabulous(3) Race 5- Probinsiyano (6) Race 6-Makaarem (4) Entry No.5 Pick 6- (1-6) 1-5-7/1-3-5/1-9/4-3/6/4-5/ Pick 5-(2-6) 1-3-5/1-9/4-3/6/4-5 Pick 4- (3-6) 1-9/4-3/6/4-5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page