Stag party, ino-organize na raw… Derek, nagsalita na sa kumalat na ikakasal na kay Andrea
- Nitz Miralles
- Oct 23, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

May fake news palang kumakalat na may nag-o-organize ng stag party para kay Derek Ramsay. ‘Pag stag party na ang usapan, ibig sabihin, ikakasal na si Derek. Eh, wala pa namang planong magpakasal sina Derek at Andrea Torres lalo na at bago pa lang ang kanilang relasyon.
Ipinost ni Derek sa kanyang Instagram (IG) account ang paglilinaw ng isang Jamila Joyce Castillo na wala siyang kinalaman sa kumakalat na text message that she is organizing a stag party for the actor.
Sabi ni Derek, “Hey guys, this crap has been going around for years and it still hasn’t stopped!!! Pls. know that I have nothing to do with this person texting these things. If you have any info about this person pls. dm me.”
Samantala, tuloy ang pagpapakilig nina Derek at Andrea na galing sa Baguio for a vacation. Natutuwa ang mga supporters ng dalawa dahil madalas silang magkasama sa mga biyahe here and abroad. Sana raw, silang dalawa na forever.





Comments