top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nanay na bugaw, kulong.. 2 yrs. old at 6 pang paslit gamit sa cybersex

  • Gina Pleñago
  • Oct 23, 2019
  • 1 min read

Pitong menor-de-edad ang nailigtas mula sa pambubugaw online nang salakayin ang isang bahay sa Bgy. Tuktukan, Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Taguig City Police Chief Col. Alexander Santos, kinilala ang dalawang suspek na sina Rowena Cayanan, 32, at Edgar Castaneda Jimenez, 42.

Nagsagawa ng entrapment and rescue operation ang mga awtoridad sa bahay ni Cayanan, alas-12:15 ng hatinggabi.

Ayon kay Col. Maria Sheila Portento, nailigtas ang apat na menor-de-edad na babae at tatlong menor-de-edad na lalaki na nasa dalawa hanggang 14 na taong gulang.

Isa sa mga biktima ay anak umano ni Cayanan habang ang iba ay mga pamangkin nito. Ibinebenta umano ang mga biktima sa mga parukyanong pedophile sa ibang bansa.

Unang nagbigay ng impormasyon ang United States Department of Homeland Security sa PNP nang ma-trace nila na sa Pilipinas nanggagaling ang ilang maselang larawan ng mga batang Pinoy na hawak ng mga pedophile.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page