top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nabulgar: PWD ID for sale

Jeff Tumbado
Oct 23, 2019
1 min read

Ibinunyag ni ACT-CIS Partylist Representative Eric Go Yap ang talamak na bentahan ng Person with Disability (PWD) IDs for sale sa bansa.

Ayon kay Yap, noong nakaraang taon ay may nakasabay siya na isang pamilya ng mayayaman sa isang restoran sa Binondo, Manila at habang nagbabayad ng bill ay naglabas ang mga ito ng PWD ID.

Dahil hindi naman aniya kita ang kapansanan ng mga ito, nagduda si Yap na maaaring napepeke ang mga PWD ID.

Kaugnay nito, mayroong tao na ipinakalat ang mambabatas na kumuha ng PWD IDs kahit na walang kapansanan at laking-gulat na lamang nito na nabigyan ang lahat ng kanyang mga inutusan nang walang kahirap-hirap.

Hindi pa aniya siya nakuntento kaya nag-utos ng 15 pang indibidwal para kumuha ng PWD IDs sa Maynila at Quezon City.

Nagbayad aniya ang mga ito ng tig-P3,000. Nagamit umano ang lahat ng nasabing IDs sa lahat ng restoran nang hindi man lamang inaalam ng mga establisimyento kung totoo o peke ang mga ito.

Kaugnay nito, hinikayat ng kongresista ang mga alkalde na tingnan ang proseso sa pagbibigay ng PWD IDs upang mabatid kung ito ay naaabuso.

Habang ang mga nabigyan naman ay hinimok na isurender na ang mga ito.

Ayon naman kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor maging siya ay may kaibigan na madaling nakakuha nito.

Naniniwala ang mga ito na posibleng bilyun-bilyong piso na ang nawawala sa pamahalaan dahil sa bentahan ng PWD IDs.

Iginiit ng dalawang mambabatas na maganda ang layunin ng PWD Law pero, naabuso lamang ng mga mayayaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page