top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lumabas sa Cenomar na kasal na sa foreigner kahit walang naganap na ceremony, puwedeng ipetisyon par

  • Dr. Persida V. Rueda-Acosta
  • Oct 23, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta, Nang kumuha ako ng CENOMAR, lumabas na ikinasal ako sa dayuhang hindi ko naman kilala, gayundin may marriage certificate na naglalaman ng pangalan ko at impormasyon kaugnay dito. Pero, walang naganap na kasal kaya nais kong ipakansela ang pangalan ko sa nasabing marriage certificate, ano ang maaari kong gawin? — Jenna

Dear Jenna, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay saklaw ng Rule 108 ng Rules of Court (Cancellation or Correction of Entries in The Civil Registry).

Ang sinumang may interes sa kaganapan na may kinalaman sa civil status ng tao kung saan ito ay naitala sa civil register ay maaaring magpetisyon sa korte alinsunod sa paraang itinakda ng Rule 108 ng Rules of Court upang makansela o maitama ang anumang maling entry kaugnay ng mga kaganapang nabanggit. Kaugnay nito, sa kaso ng Republic of the Philippines vs. Melinda Olaybar (GR No. 189538, February 10, 2014, Ponente: Honorable Associate Justice Estela Perlas-Bernabe), pinahintulutan ng Korte Suprema ang pagwawasto ng marriage certificate sa pamamagitan ng pagkansela ng pangalan ng isa sa mga partido matapos mapatunayan sa hukuman na siya ay hindi kailanman naging bahagi ng nasabing kasal na naitala sa civil register.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page