Babaeng hindi makakatuluyan ang BF pero suwerte sa career
Maestro Honorio Ong

Katanungan
Magkakatuluyan kaya kami ng boyfriend ko? Tutol ang pamilya niya sa relasyon namin, tapos sinabi ng pamilya ko na layuan ko na ang boyfriend ko, pero hindi ako nakinig sa kanila at ngayon ay nagkakalabuan na kami ng BF ko. Sinabi rin ng mga kapatid ko na bata pa ako kaya makalilimutan ko rin siya. Kahit nagkakalabuan na kami, nararamdaman ko na magiging kami pa rin dahil mahal na mahal ko siya.
Ano ang dapat kong gawin at sino ang dapat kong sundin, ang damdamin ko o pamilya ko? Makakapagtapos ba ako ng pag-aaral, kung hindi, magiging maganda kaya ang takbo ng aking career?
Pangarap ko ring makapag-abroad, pakitingnan na rin sa guhit ng aking palad kung ako ay makapangingibang-bansa.
Kasagutan
May bilog ang kaliwa mong Heart Line (Drawing A. h-h arrow a.) habang nabiyak naman ang Heart Line sa kanan mong palad (Drawing B. h-h arrow b.). Ito ay tanda na kung ipagpipilitan mo man ang iyong puso at isinisigaw ng iyong damdamin, sa bandang huli, malaking kasawian sa pag-ibig ang naghihintay sa iyo.
Kung susundin mo naman ang iyong mga magulang, sa kalungkutan din mauuwi ang buhay mo sa aspetong pag-ibig. Nakalulungkot talaga na magpasya na kalimutan ang lalaking minahal at sa madaling salita, wala kang choice kundi masaktan at mabigo ngayon dahil sa pag-ibig.
Gayunman, masasabing mas mabuti nang mabigo at lumuha nang sumusunod sa payo ng mga magulang kesa suwayin sila at pagkatapos ay sa kangkungan din ng kalungkutan at kabiguan pupulutin ang iyong karanasan.
Sa iyong career naman, dahil ikaw ay nagtataglay ng mala-square type hand (Drawing A. at B. arrow c.), anuman ang isipin at pangarapin mo sa iyong career, nakatakda na ang will power o sarili mong diskarte at kagustuhan ang mananaig at matutupad. Ibig sabihin, kapag ginusto mong magkaroon ng trabaho, matutupad ito.
Kapag ginusto mong umunlad at umasenso sa hanapbuhay, matutupad mo ‘yun.
Ito ay dahil ang mga taong may mala-square type hand, malaman, tumatalbug-talbog kapag sinalat ay maraming energy at nagagawa nilang ipatupad nang suwabeng-suwabe ang anumang maibigan nila at madali rin siyang magtatagumpay sa anumang binabalak at makursunadahan nilang gawin sa buhay. Mga Dapat Gawin
Ayon sa iyong mga datos, sa lahat ng aspeto ng buhay, basta binigyan mo ng konsentrasyon, siguradong makakamit mo ito at magtatagumpay ka, maliban sa isang bagay – at ito ay ang aspetong pag-ibig kung saan mauuwi sa kalungkutan ang iyong kasalukuyang relasyon.
Upang hindi ka na mabigo at lumuhang muli, sa susunod na pakikipagrelasyon, humanap ka ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini, Libra o kapwa mo Aquarius na may birth date na 7, 16 o 25 – sa piling ng nasabing lalaki, makasusumpong ka na ng tunay at wagas na pag-ibig na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya na nakatakdang mangyari sa 2025 sa edad mong 28 pataas.




Comments