top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Patung-patong na kasong banta kay P-Digong, Martial Law ang katapat!

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 22, 2019
  • 2 min read

BANGAYANG DILAWAN VS. LOYALISTA, BANGAYANG DDS VS. STUDENTS AT BANGAYAN NG BARRETTO SISTERS—Napakagulo ng bansa ngayon.

Nand’yan ang pagbabangayan ng dilawan at loyalista kung sino kina VP Leni Robredo at ex-Sen. “Bongbong” Marcos ang tunay na VP ng bansa.

Nand’yan ang mga pasaring ng ilang estudyante kabilang ang nag-viral na presentasyon ng mga mag-aaral mula sa University of the Philippines (UP)-Visayas kung saan nabanggit pa ng mga ito ang mga linyang, “let’s kill this president, charot!”

At ang latest, ang bangayan ng Barretto Sisters, boom!

◘◘◘

MAYOR ISKO, MAKABAGONG PULITIKO—Kung ang ibang pulitiko, sinisiraan ang kanilang mga kalaban sa politika kahit tapos na ang eleksiyon, iba si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa 25th anniversary ng Universidad de Manila (UDM), sinabihan nito ang mga mag-aaral na pasalamatan si ex-Mayor Alfredo Lim dahil noong panahon ng panunungkulan nito naipatayo ang public school na pinakikinabangan ngayon sa libreng pag-aaral sa kolehiyo ng mga taga-Maynila.

Dahil sa papuri ni Mayor Isko kay ex-Mayor Fred Lim, maraming humanga sa kanya kasi maituturing siyang makabagong pulitiko dahil bukod sa hindi siya credit grabber, pinasasalamatan pa niya ang kalaban niya sa pulitika tungkol sa naiambag nitong serbisyo sa Maynila. Palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

NAGBABANTANG KAKASUHAN SI P-DUTERTE, BAKA SILA ANG MAKULONG KAPAG NAGDEKLARA NG MARTIAL LAW?—Nagbanta ang National Union of People’s Lawyers (NUPL) na sasampahan nila ng patung-patong na kaso si P-Duterte kapag bumaba na ito sa 2022.

Naku, baka dahil sa banta nilang ‘yan kay P-Duterte ay magdeklara ito ng Martial Law sa buong bansa at silang mga aktibistang abogado ang pakasuhan at ipakulong? Boom!

◘◘◘

RAKET NINA “RICKY” AT “ROSEBEE”, NAMAMAYAGPAG SA JURISDICTION NI COL. FRANK SANGALANG—Namamayagpag daw ang raket na drop balls at color games ni “Ricky” sa Bgy. Maragul at “Rosebee” sa Bgy. Balibago at Bgy. Cutod, pawang sa Angeles City.

Aba, dapat ipa-”tokhang” na ni Angeles City Police Director at Col. Frank Sangalang sina “Ricky” at “Rosebee” kasi kung wala siyang gagawing aksiyon, baka pagdudahan siya ni PNP-OIC Gen. Archie Gamboa na may “take” siya kaya “nganga” lang siya sa raket ng dalawang ilegalistang ito, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page