Para patunayang sinungaling ang utol… Gretchen, inilabas ang pagwawala ni Marjorie sa burol ng padir
- Janice DS Navida
- Oct 22, 2019
- 2 min read

Photo: @marjbarretto (right)
Matapos ang sunud-sunod na pasabog ni Gretchen Barretto sa kanyang Instagram account kung saan isa-isa nitong inilabas ang mga ‘baho’ ng kanyang kapatid na si Marjorie at mga pamangking sina Julia at Nicole Barretto, marami ang nag-aabang ngayon sa official statement ni Marj, lalo’t nadamay na rin si dating Caloocan Mayor Recom Echiverri na tinukoy ni La Greta na ‘powerful BF’ ng kapatid.
But as we write this, tahimik ang Instagram account ni Marjorie at baka pinag-iisipan at pinaplano pang mabuti ng nanay ni Julia kung paano sasagutin ang mga nakakalokang banat ni Gretchen.
Maging si ex-Mayor Recom ay wala ring inilabas na statement at tama lang din namang hayaan na lang niyang si Marjorie ang magsalita, tutal away ng magkakapamilya ‘to at nadawit nga lang ang name niya.
Pero ayaw talagang magpaawat ni Gretchen at gustong ipamukha sa lahat na siya ang nagsasabi ng totoo dahil nu’ng Linggo lang ng gabi, inilabas niya sa kanyang IG account ang video ng pagpunta niya sa wake ng ama kung saan makikitang ‘nagwawala’ raw si Marjorie sa pagdating niya.
Ito’y bilang sagot sa naunang post ni Marjorie kung saan sinabi niyang “I’m all for reconciliation.”
Samantala, kung si Recom ay tameme sa issue, ang negosyanteng si Atong Ang ay nagsalita na sa pagkakaugnay niya sa magkapatid na Gretchen at Claudine at pamangkin ng mga itong si Nicole Barretto.
Sabi ni Atong Ang, business partner lang niya si Gretchen, si Claudine ay tinulungan niya sa isang kaso nito at naging staff naman daw niya si Nicole at ang nanay nito.
Pero ang ipinagtataka namin, idinenay ni Mr. Ang na nagkaroon sila ng ‘something’ ni Clau gayung sa isang post ni Gretchen ay sinabi ng aktres na “Oh, I’m sorry, I was told that Nicole stole Atong from her aunt Claudine.”
Hay, ano ba talaga, mga ate?!!!





Comments