top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P-Du30 nasa Japan, konti lang ang bitbit — Palasyo

Mylene Alfonso
Oct 22, 2019
1 min read

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer-in-charge habang nasa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Alas-6:30 ng gabi nang umalis si Pangulong Duterte patungong Japan para sa enthronement ni Emperor Naruhito.

Batay sa Special Order Number 1125, inatasan ng pangulo si Medialdea na pangasiwaan ang pang-araw-araw na trabaho ng Office of the President pati na ang mga tanggapan na nasa ilalim ng sangay ng Ehekutibo.

Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na makipagtulungan kay Medialdea para masigurong maayos ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Nabatid na October 18 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang special order.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tatlong aktibidad ang dadaluhan ng Pangulo sa Japan na tatagal ng tatlong araw. Nakatakda rin bumalik ng bansa ang Pangulo sa Huwebes.

Samantala, maliit lamang umano ang kasamang delegasyon ni Pangulong Duterte subalit, hindi naman binanggit kung sinu-sino ang mga ito.

Nabatid na ito ang ikaapat na biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page