top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Love triangle.. Sikat na rapper binaril sa ulo, todas

Janice Baricuatro / Jeff Tumbado
Oct 22, 2019
1 min read

Patay sa pamamaril ang isang FlipTop rapper na si ‘LilJohn’ sa Bgy. Carsadang Bago Uno, Imus City sa Cavite.

Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng 35-anyos na si Jon Ross delos Santos sa tunay na buhay.

Nabatid kay Police Lt. Col. Junar Alamo, nakaupo lamang sa kanyang motorsiklo ang biktima na nasa tapat ng isang tindahan nang ito’y barilin ng lalaking angkas sa motorsiklo pasado alas-5:00 ng hapon ng Linggo.

Kasama ng biktima ang kanyang nobya na si Danielin na masuwerteng hindi nadamay. Dinala pa sa Ospital ng Imus ang biktima pero, idineklara itong dead-on-arrival.

Samantala, isa sa motibong tinitingnan ng pulisya ay love triangle bagama’t, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Lubos namang nagdadalamhati ang FlipTop community sa insidente.

Si ‘LilJohn’ na taga-Tambo, Parañaque ay hinahangaan sa mundo ng FlipTop genre dahil sa kakaibang estilo nito sa rap battle na ang videos ay viral sa social media.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page