top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Kahit may gulo.. Deployment sa Hong Kong, tuloy — DOLE

  • Madel Moratillo
  • Oct 22, 2019
  • 1 min read

Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapaalis ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) patungo sa Hong Kong.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, sa kabila ng sitwasyon sa Hong Kong, wala pang umiiral na deployment ban sa nasabing lugar.

Sa pinakahuling update mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa labor attache sa Hong Kong ay ligtas ang mga Pinoy doon.

Wala pa aniyang nakikitang dahilan sa ngayon para magpatupad ng deployment ban o magpatupad ng mandatory repatriation.

Samantala, tiniyak naman ni Bello na patuloy na binabantayan ng pamahalaan ang sitwasyon sa Hong Kong.

Nasa DFA aniya ang kakayahan para i-assess ang sitwasyon doon.

Sa sandaling lumala ang sitwasyon, handa umano ang DOLE na asistehan ang mga OFWs para makahanap ng ibang trabaho.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page