Hirit ng pamangkin, inagaw niya ang BF nitong si Atong Ang… Resbak ni Gretchen kay Nicole: Malaki an
- Vinia Vivar
- Oct 22, 2019
- 2 min read

May latest pasabog na naman si Gretchen Barretto sa social media. Nagkomento siya sa isang netizen sa Instagram post ni Claudine Barretto na nakapansing wala ang kanilang inang si Inday Barretto sa kaarawan ng kanilang amang si Miguel “Mike” Barretto noong Setyembre 29.
Komento ng netizen, “Pansin ko lang, last b-day ni Daddy Mike, wala si Mommy Inday. Hinahanap ko siya sa post ni Marjorie.”
Sagot ni Gretchen, “Because Marjorie did noy (read: not) invite my mom to the gathering & that’s what caused my dad’s attack.”
Bukod dito ay nag-post din si Greta ng short video sa lamay ng kanilang ama noong Oct. 16 nang dumalaw siya kung saan naroroon din si Pangulong Rodrigo Duterte.
Caption ni Greta sa video, “Watch carefully, Marjorie & Nicole is the one beside her the day of the wake. Watch EX MAYOR ECHIVERRI, feeling part of the Barretto Family. Watch Marj itch-very Fuming mad. The relatives were trying to calm her from her insanity. Now you KNOW WHY I DID NOT GO TO VISIT MY DAD IN HIS LAST DAYS. (Marjorie will have an outburst in the ICU.”
Sa kanyang Instagram Story ay nag-post naman ng larawan si Greta ng pamilya ni Atong Ang.
“Here is Mr. Atong and Mrs. Iris Ang & family. This family happens to be our family too. We will protect our happy life, Nicole. We love each other dearly.”
Nasa IG Story rin ni Greta ang mga screenshots ng pamba-bash ng mga netizens kay Marjorie, pati na sa anak nitong si Julia Barretto. Karamihan sa mga ito ay sinasabing hindi na dapat nakisali pa ang young actress sa away ng magkakapatid at dapat daw ay tumanaw ng utang na loob sa kanyang Tita Gretchen sa mga tulong na naibigay nito noon sa kanilang pamilya.
Nag-post din ng screenshot si Greta ng statement ni Atong Ang na inilabas sa media at ang caption niya, “There’s a big difference between a girlfriend & merely (past time) na inilalako ng nanay.”
May post din si Greta na binabantaan si Nicole na ie-expose ang katotohanan kung bakit sila natanggal ng ina nito sa kumpanya ni Atong.
“Your mother & your services fired over 4 yrs. ago. Would you want me to expose the reasons for it or would you care to tell your twisted truth, Nicole Ramos Barrette Magno,” ang isa pang caption ni Greta.
Anyway, sa kasalukuyan ay nasa San Francisco na si Greta. Nag-post siya ng larawan niya last Sunday kung saan ay kasama pa si Piolo Pascual at sa caption ay nagbiro siyang kasama niya ang kanyang boyfriend.
“Why hello, I’m flying off with my boyfriend,” ang caption ni Greta sa larawan nila ni Piolo.
Sa bagong video na ipinost niya kahapon ng tanghali, makikitang sinasalubong si Greta ng kanyang aso. Aniya sa caption, ang anak niyang si Dominique ang humiling na pumunta siya sa San Francisco.
“Just what I need, a whole lot of love. My little one @dominique asked me to fly to San Francisco for her to feed me, she says she won’t let me go home until I gain back some weight. Role reversal. My grandson Chapo got to me first. Welcome to San Francisco,” ang caption ni Gretchen.





Comments