Ebidensiya, naglabasan na, 'di pa rin ma-take ng Aldub fans… Arjo, Join na sa Family ni Maine
- Nitz Miralles
- Oct 22, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Magkasunod na pagkakataong nakitang magkasama sina Arjo Atayde at Maine Mendoza at ang napansin namin, hindi na sila umiiwas makunan ng litrato na magkasama hindi gaya noong una na kahit magkasama, ayaw nilang makunan ng piktyur.
Unang nakitang magkasama sina Maine at Arjo sa first birthday ng pamangkin ng una at pansing maraming litrato ang aktor kasama ang pamilya ng GF. First time makita ng mga netizens na kasama si Arjo ng family ni Maine at may picture rin sila ni Maine na silang dalawa lang.
Nakita ring magkasama sina Arjo at Maine sa 50th birthday party ng manager ni Yaya Dub na si Rams David. Nakihalubilo si Arjo sa mga bisita ni Rams gaya ni Ms. Celia Rodriguez at ibang kasama ng manager ni Maine sa Triple A at APT Entertainment.
Pero, may ibang AlDub fans pa pala na hindi naniniwalang kasama ni Maine si Arjo sa birthday ng pamangkin nito. Ang nabasa naming comment nila, ipinatong lang daw ang ulo ni Arjo sa body ng isang brother ni Maine. Papaano ‘yung picture na sina Maine at Arjo lang ang magkasama?
Sa birthday party naman ni Rams, maraming bisita ang magpapatunay na kasama ni Maine si Arjo at nagpakuha na nga sila ng litrato sa mga bisita ng manager ni Yaya Dub.




Comments