10-wheeler truck, sinita.. Enforcer, sinagasaan ng driver, patay

Photo: Fb Image
Dedo ang traffic enforcer matapos sagasaan ng truck driver na hinuhuli nito dahil sa paglabag sa batas-trapiko sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot si Jesus Paulite, Jr., 61, kasapi ng Caloocan City Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM), ng Sta. Maria, Bulacan sanhi ng pinsala sa ulo at katawan matapos sagasaan ng 10-wheeler truck na may plakang 030101 na minamaneho ng nadakip na suspek na si Rommel Cabillos, 32.
Sa nakarating na ulat kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-7:50 ng umaaga, nagmamando ng trapiko sa kanto ng Samson Road at Heroes del 96 ang biktima nang parahin ang minamanehong tractor head ng suspek na patungong Monumento Circle dahil sa paglabag sa batas-trapiko.
Nang hingin ng enforcer ang lisensiya ni Cabillos ay dedma lang umano ito at itinuloy ang pagmamaneho at sinadyang banggain ang enforcer na bumulagta sa kalsada.
Sa halip na hintuan, sinagasaan pa umano ni Cabillos si Paulite na nagresulta ng kanyang kamatayan habang nadakip naman ang suspek na nahaharap ngayon sa kaukulang kaso.





Comments