top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sa concert sa Araneta, wa' paki kahit nandu'n si Kiko… Sigaw ni Sharon: Robin, muntik kong

  • Nitz Miralles
  • Oct 21, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Photo: @reallysharoncuneta (left)

Dalawang beses pinanood ni Robin Padilla ang Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez at sa second night, naka­sabay ni Robin at kahilera pa sa upuan si Sen. Kiko Pangili­nan at mga anak nila ni Sharon na sina Miel at Miguel. Malapit ang mga upuan nila at tiyak na nagkatinginan sila.

Katabi ni Robin si Pops Fernandez at katabi ni Sen. Kiko si Ogie Alcasid na dumating for wife, Regine. Special mention si Robin na nag-post ng appreciation message para kina Sharon at Regine and at one point, tinawag siya ni Sharon na “muntik maging asawa.”

Post ni Robin: “God is great! Isang tunay na pagpapala ang gabing inihandog ni Ms. Sharon Cuneta-Pangilinan at Ms. Regine Velasquez-Alcasid, napakaraming tao ang inyong pinaligaya at pinasaya. Sa bawat inyong awitin ay isang henerasyon ang bumabangon sa kanilang kilig sa pagnam­nam sa tamis ng mga alaala. Tunay na ang inyong pagtatanghal ay tumawid sa apat na henerasyon, patunay sa inyong tatag sa talino sining, pag-awit at buhay. Hindi man umalis ang mga katawan namin sa aming mga upuan.

“Maraming-maraming salamat sa mga taong bumuo ng concert na ito. Nag­silbi din itong gabi ng pasasalamat sa mga biyaya ng nag-iisang Panginoon.”

Wala itong isyu kay Mariel Rod­­riguez dahil ni-like nito ang post ni Robin. Kung kasama siyang nanood ng concert, tiyak na tatayo rin siya kasama ni Robin at ng buong audience to give the two icons a standing ovation.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page