top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagdanganan, umupo sa top 10 ng LPGA qualifiers

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Oct 21, 2019
  • 1 min read

Nakausad sa Ladies Philippine Golf Association (LPGA) Q-Series si Pinay parbuster Bianca Pagdanganan matapos nitong magsumite ng umuusok na 8-under-par 64 sa round 4 para maalwang mahablot ang isang upuan sa Top 10 samantalang tuluyan nang umaasim ang laro ni Fil-Japanese Yuka Saso sa pagsasara ng 2019 LPGA Qualifiers Stage 2 Tournament sa palaruan ng Plantation Golf and Country Club sa Venice, Florida.

Bago nagsimula ang huling round ay nakaupo lang sa pang-45 na baytang si Pagdanganan sa paligsahang magbibigay lang 30 upuan sa LPGA Q-Series. Pero dahil sa mainit na atake sa huling round ay nanatiling buhay ang pag-asa ng pangunahing armas ng Pilipinas sa Southeast Asian Games na makapasok sa 2020 LPGA Tour. Ang final round 64 ng Pinay ay ang pinakamainit na performance na naitala sa huling round ng torneo.

Ang kabuuang iskor ni Pagdanganan na 279 (73-68-74-64) ay limang strokes ang layo sa nagkampeong si Sierra Brooks ng USA pero sapat na ito para makuha ang 8th place sa kompetisyong nilahukan ng pinaghalong 185 professional at amateur lady golfers. Sina Brooks (275) at Pagdanganan ay kapwa amateur. Isa pang amateur entry, Yae Eun Hong (278) ng South Korea ay pumang-apat.

Sa LPGA Q-Series, bukod sa 2020 LPGA Tour, may tsansa rin si Pagdanganan, na siya ring nagwagi sa 2019 El Tigre Invitationals at sa LPGA Qualifying Tournament Stage 1 bukod pa sa pagiging Jakarta Asian Games bronze medalist, na makapaglaro sa 2020 Symmetra Tour.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page