P100 milyong pang-project ng mga cong., tamang pang-kickback
PAGKATAO NG MGA KANDIDATO SA PNP CHIEF, DAPAT BUSISIIN NI P-DUTERTE—Kina PNP-Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa, Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Camilo Cascolan at Chief Directorial Staff Lt. Gen. Guillermo Eleazar lang naka-focus si P-Duterte kung sino ang itatalagang bagong PNP chief kapalit ng nag-resign na si Gen. Oscar Albayalde na nakatakdang magretiro ngayong Nov. 8, 2019.
Bumaho ang PNP nang isangkot ng mga retired generals si Gen. Albayalde noong Pampanga provincial commander pa ito sa “Ninja Cops” o mga pulis na sangkot sa pagbebenta ng mga nakumpiskang ilegal na droga.
Dapat busisiin ni P-Duterte ang pagkatao nina Gen. Gamboa, Gen. Cascolan at Gen. Eleazar o alamin ang kanilang background mula sa pagiging kadete sa PMA hanggang sa maging pulis dahil baka ang maitalaga niyang PNP chief ay may bad record at sumambulat na naman ito sa publiko at maging dahilan upang tuluyan nang mawala ang tiwala ng mamamayan sa kapulisan, period!
◘◘◘
UTOS NI P-DUTERTE KAY COL. ESPENIDO NA LANSAGIN ANG ILEGAL NA DROGA SA BACOLOD, INSULTO KAY EX-PNP VISAYAS CHIEF GEN. SINAS?—Hindi kaya nainsulto si newly appointed NCRPO Director Gen. Debold Sinas sa sinabi ni P-Duterte na kaya niya itinalaga si Col. Jovie Espenido sa Bacolod City ay dahil “badly hit” o malala na raw ang drug problem sa lungsod?
Sa tema ng sinabi ni P-Duterte ay parang pinalalabas nitong sa tagal ng panahon na naging PNP-Visayas Region 7 director si Gen. Sinas ay hindi nito nasuheto ang droga sa Bacolod kaya si Espenido na ang inatasan niyang lumansag sa sindikato ng droga sa lungsod, boom!
◘◘◘
“KICKBACK” ANG IBIG SABIHIN NG SOP SA PROJECTS NG MGA CONG.—Ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, may 20% daw na kikitain o SOP (standard operating procedure) ang mga kongresista sa kanilang mga proyekto kaya ayaw ng mga mambabatas na alisin ang “isiningit” nilang tig-P100 milyong pam-"projects” sa 2020 National Budget.
Para sa kaalaman ng publiko, ang ibig sabihin ng SOP ay kickback, buwisit!
◘◘◘
TARA COLLECTOR NA SI “RAFFA”, DAPAT “IPATOKHANG” NA NI COMMISSIONER GUERRERO—Isang “Raffa” raw ang gumagamit sa tanggapan ng Bureau of Customs para manghingi ng “weekly tara” sa mga smugglers sa Adwana.
O, ano, Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero, “nganga” ka na lang ba? Aba, ipa-”tokhang” mo na si “Raffa”, dali!





Comments