Miranda team, kampeon sa SBP 3x3 women’s Cup

Photo: foxsportsph
Pinamunuan ni Gemma Miranda, miyembro ng 2018 3 x 3 World Cup squad ang panalo ng kanyang team 21-19 kontra team nina Janine Pontejo sa finals ng SBP 3 x 3 women’s competition Leg 1 sa Meralco Gym noong Sabado. Umangat sa 4-1 record ang Miranda squad sa single round eliminations nang talunin ang Pontejo team sa finals upang magkampeon sa unang leg ng torneo na inorganisa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas upang maidagdag sa ranking points ng Philippine women’s team para sa pakay nilang Olympic berth.
Ayon kay Patrick Aquino, head coach ng Gilas Pilipinas women’s team, dapat dalasan ang pagdaraos ng event upang umangat pa ang world ranking ng women cagers. “It’s participated by the country’s top 100 women players,” saad ni Aquino. “So far, we’re ranked No. 25,” ayon kay Gilas Pilipinas women’s team coach Patrick Aquino. “But we can catch up with Canada should we continue holding tournaments like this one.”
Bukod kina Miranda at Pontejo, dalawang miyembro ng Philippine women’s quartet na bumanat noong 2018 3x3 World Cup, ang iba pang players na imbitado ay sina Afril Bernardino, Jack Animam at iba pang comebacking player tulad ni Bea Daez.
Ang mga ito ay kabilang sa Gilas Pilipinas women’s national team na aaksiyon sa pre-Olympic qualifying event na idaraos sa New Zealand sa susunod na dalawang linggo maging sa Southeast Asian Games basketball competitions na idaraos sa Nob. 30-Dis. 11
Sa pagdaraos ng torneo, aangat ang ranking ng bansa at tinatayang may 150,000 hanggang 200,000 points ang idaragdag sa Pilipinas, kaya ang bawat team ay dapat makakuha ng 21 puntos kada game upang umangat ang stats line. Nagbigay ng cash prize sa winning squad sina SBP special assistant to the president Ryan Gregorio at Aquino.





Comments