top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mas mataas na sahod sa nurse, may pondo

Jeff Tumbado
Oct 21, 2019
1 min read

Target ngayon na makapagpatibay ng joint resolution ang Kongreso upang mapayagang maitaas ang base pay ng mga public nurses sa bansa.

Ayon kay Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, may opsiyon ang House of Representatives at Senado na maaprubahan ang joint resolution upang ipatupad ang mas mataas na starting pay na P30,531 para sa mga nurses na pinasasahod ng national government.

Tinukoy ng kongresista na pupuwedeng humugot ng pondo sa lumpsum na Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) sa budget.

Nagawa na aniya ito noong 2017 nang ipasa ang joint resolution na nagbibigay ng awtorisasyon para dagdagan ang base pay ng mga sundalo at uniformed personnel na kinuha mula sa MPBF ang pondo.

Kasabay nito, binanggit ng mambabatas ang posibilidad na maisama na rin ang mataas na suweldo ng mga nurses sa bagong Salary Standardization Law na nais mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapagtibay.

Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin ng ginawang pagkatig ng Korte Suprema sa validity ng Philippine Nursing Act of 2002 na nagpapataas sa Salary Grade 15 o P30,531 ang minimum na sahod ng nurse ng gobyerno.

Sa kasalukuyan, nasa Salary Grade 11 o P20,754 ang panimulang suweldo ng mga government nurses.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page