Huwag nang tamarin, go lang nang go! Paglalakad, pampa-good vibes na, epektib pa para iwas-cancer

Ayon sa mga eksperto, ang paglalakad ay simpleng ehersisyo na inirerekomenda sa mga abala sa trabaho dahil for sure, sino ba naman ang hindi naglalakad, ‘di ba? Gayunman, marami pang benepisyo ang paglalakad na hindi natin nalalaman at siguradong kapag nalaman n’yo ang mga ito, hindi na kayo tatamarin maglakad. Anu-ano ang mga ito?
1. NAKAPAGPAPAGANDA NG MOOD. ‘Pag wala tayo sa mood, madalas tayong kumakain ng sweets o chocolates dahil sa paniniwalang nakatutulong ito. Pero ayon sa mga eksperto, puwede nating pagandahin ang ating mood nang hindi kumokonsumo ng calories. Paano?
Base sa pag-aaral, ang regular na paglalakad ay nagmo-modify ng nervous system kung saan makararanas ng pagbaba ng galit o negatibong pakiramdam. Gayundin, inirerekomenda na gawin ito nang may kasama para hindi makaramdam ng pagod.
2. NAKABABAWAS NG TIMBANG. Given na ito, pero ayon sa mga eksperto, ito ay “happy benefit” ng paglalakad. Kapag regular itong ginawa, mapapansin umano na medyo lumuluwag ang pantalon dahil ito ay nakatutulong upang mag-improve ang response ng katawan sa insulin na nakatutulong naman sa pagbawas ng belly fat.
3. NAGPAPALAKAS NG IMMUNE SYSTEM. Sey ng mga experts, ang paglalakad ay nagpapalakas ng immune system at pumuprotekta sa katawan tuwing cold and flu season. Sa pag-aaral na isinagawa sa 1,000 babae at lalaki, napag-alaman na ang mga kalahok na naglalakad ng 20 minuto kada araw sa loob ng limang araw ay hindi gaanong nagkasakit kumpara sa mga hindi masyadong naglalakad.
4. MAS MABABANG TSANSA NA MAGKAKANSER. Base sa mga pag-aaral, ang pagkakaroon ng pisikal na aktibidad ay nakababawas sa panganib ng breast cancer, pero ayon sa American Cancer Society, ang kababaihan na naglalakad nang pitong oras o higit pa kada linggo ay may 14% lower risk sa pagkakaroon ng breast cancer.
5. NAKABABAWAS NG SWEET CRAVINGS.a araw ay nakatutulong upang makaiwas sa pagkain ng matatamis kapag stressed ang tao.
6. NAKATUTULONG SA CARDIOVASCULAR HEALTH. Sa pag-aaral ng Harvard Medical School, natuklasan na ang paglalakad nang 20 minuto kada araw ay nakapagpapababa nang 30% risk sa pagkakaroon ng sakit sa puso.
7. NAKAPAGPAPALABAS NG CREATIVE JUICES. Kapag pakiramdam mo na walang progress ang bagay na pinagtatrabahuhan mo, it’s time para gumalaw-galaw. Ayon sa pag-aaral, ang paglalakad ay nakatutulong para lumabas ang creativity.
Wow, ang dami palang benepisyo ng paglalakad kahit simpleng ehersisyo lang ito. Kaya mga ka-Bulgar, kung kaya namang lakarin ng mga pinupuntahan n’yo o kung may extra time kayo, maglakad na lang nang sa gayun ay nakatipid ka na sa pamasahe, nakapag-ehersisyo ka pa. Tandaan, ang pagiging maingat sa kalusugan ay paraan para ang mga sakit ay maiwasan. Gets mo?





Comments