Horoscope | Oktubre 21, 2019 (Lunes)

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 21, 2019 (Lunes): Huwag kang magsasawang tumulong sa iyong kapwa dahil ito ang dahilan kung bakit palagi kang pinagpapala ng langit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang itinanim, ‘yun ang aanihin. Magtanim ka para sa iyong kinabukasan. Hindi masasayang ang iyong itinanim dahil kapag may itinanim ay tiyak na may aanihin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-17-24-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang pintuan ng pakikipagkasundo kahit alam mong maaagrabiyado ka. Ang maganda nito ay mapapanatag na ang iyong buhay at magiging payapa ang iyong isip. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-27-34-39-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Sisingit ang pag-aalinlangan sa iyong kasalukuyang proyekto. Huwag mo itong bigyan ng puwang nang sa gayun ay magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-20-21-25-27.
CANCER (June 21-July 22) - Iiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal dahil magsasanib ang likas na pagiging masuwerte mo at ang iyong malakas na kursunada na umasenso nang todo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-13-32-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon mo na simulan ang pamimigay ng mga regalo dahil ito ang sikreto para maaga kang regaluhan ng langit. Sa huli, ang iyong imbakan ng mga regalo ay aapaw nang husto. Masuwerteng kulay-purple.Tips sa lotto-18-19-21-18-30-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Unawa ang kailangan mo ngayon. Kahit mahirap maunawaan ang malalapit sa uso, unawain mo pa rin dahil sa huli, ang magkakalapit at nagmamahalan ay nagkakasundo rin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-17-20-21-24-26.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ibigay mo kung ano ang gusto kesa pilitin ka dahil wala ka namang nagagawa dahil mahina ang puso mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-21-23-30.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ang mga barahang alas at walang panalo ang mga kalaban mo. Ang magandang gawin nila ay sumuko na lang upang umayon ito sa kagustuhan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-17-21-23-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nakukuha sa isang banat ang malaking ambisyon, pero kailangan mong isabuhay ang walang tigil na paghakbang hanggang sa maabot mo ang dulo ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-21-25-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinag-iisipang mabuti ang mga plano na magpapaganda ng buhay. Huwag kang gumaya sa marami na umaasa lang sa tsamba at naniniwala na ang buhay ay suwertehan lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-18-20-24-33-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala kapag nadehado ka ngayon. Sa huli, ang tunay na makikinabang sa masalimuot na sitwasyon ay walang iba kundi ikaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-20-21-26-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwede na wala kang gagawin sa buhay mo para umasenso. Kahit isa lang o konti lang, gumalaw ka dahil langit ang magpupuno sa iyong mga pagkukulang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-12-25-30-31.




Comments