top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gen. Albayalde, gustong kasuhan ng Senado sa ninja cops

  • Korina Sanchez
  • Oct 21, 2019
  • 2 min read

Tulad sa ibang bansa, ipinagbawal na rin ang pagpapalabas ng pelikulang “Abominable” sa Pilipinas. Sa pelikulang ito, may eksena kung saan may mapa ng Southeast Asia na kitang-kita ang “nine-dash line” ng China na siyang batayan na naangkin nito ang kabuuan ng pinag-aagawang karagatan.

Nagdesisyon ang Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) na ipagbawal ang pagpapalabas ng nasabing pelikula sa lahat ng sinehan sa bansa.

Matatandaang, una nang umalma ang Malaysia at Vietnam. Nahuli tayo dahil sa pagiging malapit ng kasalukuyang administrasyon sa China. Pero dahil sa malawakang pagbatikos sa nasabing eksena, hinatak na ito mula sa mga sinehan.

Ayon sa ulat, kasosyo umano ng produksiyon ang kumpanyang Pearl Studio mula China, malamang kaya naipilit isama ang larawan ng mapa sa eksena.

Siguradong hindi ‘yan ang huling beses na gagawin ito dahil nakapasok na rin sa Hollywood ang impluwensiya ng China, kaya walang magagawa ang bansa na kokontra rito kundi ang magdesisyon kung ipalalabas sa mga sinehan o hindi ang mga ganitong pelikula. Pero tama ang desisyon ng MTRCB sa “Abominable”, taliwas ang imahe na ipinawalambisa ng UN Permanent Court of Arbitration na isinasantabi ng administrasyon.

◘◘◘

Kung Senado ang masusunod, dapat kasuhan si dating PNP Chief Oscar Albayalde, gayundin ang 13 pang tauhan nito na nasangkot sa kontrobersiyal na buy-bust operation sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Ayon sa Senate Blue Ribbon Committee na nanguna sa tatlong pagdinig sa “ninja cops”, ang parusa ay ayon lamang sa batas.

Samantala, dumepensa naman ang Philippine National Police (PNP) na lahat sila ay inosente hangga’t hindi pa sila napatutunayang may sala. May punto, pero sa hukuman ng publikong opinyon, iba na ang tingin sa kanila. Nagbago rin ang tingin kay Gen. Albayalde, gayundin sa pananaw sa pinangunahan nitong drug war.

Hindi malayong isipin na baka marami pa riyang nang-aagaw-bato, pero hindi nahuhuli dahil hindi nabibigyan ng pagkakataong maimbestigahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page